Linggo, Enero 13, 2013

FILIPINOS "The Mexicans Of Asia"

Ayon sa larawang ito, "FILIPINOS, The Mexicans of Asia". Hindi katakataka ang bagay na ito dahil taglay natin ang kompleksyon na mayroon ang mga Mexicano o mga Espanyol. May iba pa nga sa ating kababayan  ay mukha talagang dayuhan. Nagpapatunay lamang ito na tayo ay sumailalim ang bansang Pilipinas sa pananakop ng maraming dayuhan.

Sinakop tayo ng mga Espanyol ng mahigit 300 na taon. Malamang ay, pagkatapos ang pananakop na ito, nagsipag-asawa ang mga dayuhan ng mga Pilipino at ang resulta ay ang mga batang may kompleksyon at pagakakahawig sa taga ibang bansa. Hindi lamang mga Espanyol ang nanakop sa atin, nariyan din ang mga Amerikano, Hapon at iba pa. Mga Intsik din, napakaraming mga tsinoy ang naninirahan sa Pilipinas. Kaya nga nagkaroon ng "China Town" sa Maynila.

Magandang pagmasdan ang mga batang hati ang lahi. Ngunit, ang ibang mga bata na may dugong Pilipino ay naninirahan sa ibang bansa at kinakalimutan ang kanilang sariling lahi. Minsan pa nga, ikinahihiya pa nila ang lahi nila. Iyon ay negatibo. Ngunit, kung may negatibo, laging may positibo. May mga ibang bata talaga na gustong gustong kilalanin ang kanilang lahi at manirahan dito.

Sa kabila ng lahat ng ito, mas maganda pa rin na puro ang lahi ng isang mamamayan. Dahil naipapakita nito ang tunay na pagkakakilanlan at dito lumalabas ang tunay na ganda o "native beauty". Kaya, wag nating pangarapin na maging taga ibang bansa dahil ang Pilipinas ay may sariling mga tao na nagtataglay na gandang walang katulad. Ani nga ni Kris Aquino, "Ang sarap magmahal ng Pinoy!"

It's More Fun In The Philippines

It's more fun in the Philippines ay ang bagong tourism campaign ng Department of Tourism. Binago nila ang dati na "Wow Philippines!" upang makapanghikayat pa ng mga maraming turista sa Pilipinas. Hindi lamang panghihikayat ang ginagawa ng campaign na ito kundi, tumulong din sa mga turista na makilala ang ganda ng Pilipinas.

Narito ang website ng tourism campaign: 

Nagpapakalat din sila ng posters at idinidikit ito sa mga pampublikong lugar upang madaling maka-agaw ng pansin sa mga turista.






Sabado, Enero 12, 2013

GMA, Gumawa ng "music video" para sa Lupang Hinirang

Ang TV station na GMA ay gumawa ng music video para sa Lupang Hinirang. Ang video ay naglalaman ng kasaysayan ng Pilipinas simula ng tayo ay sakupin ng mga Espanyol. Ipinapakita rin dito ang bawat detalye ng mga pangyayari noon. Ang video na ito ay kinabibilangan ng mga ilang batikang artista at mga artista ng GMA 7.
Ang video ay umani ng mga papuri sa ilang websites. Karamihan sa mga puna ay mas dama na daw nila ang kanilang pagiging Pilipino matapos ito mapanood. Hindi rin naman na maiiwasan ang mga negatibong tugon tungkol dito.

Mga Sikat Na Galing Sa Pinas


Ang mga Pilipino ay hindi lamang kilala bilang bansa na may maraming magagandang tanawin, kilala din tayo dahil sa mga talentong tinataglay natin. Simula pa man noon ay marami ng mga talentadong Pilipino ang nakilala na ng buong mundo dahil sa iba't-ibang larangang mahusay sila. 

Ilan lamang ang dito ay sina:


Si Charice Pempengco ay unang nakilala bilang isang Pilipinang mang-aawit na pumangatlo sa paligsahang Little Big Star. Mas lalo siyang sumikat dahil sa mga bidyo ng kanyang pagkanta sa YouTube at nadiskubre siya ni Oprah at agad inimbita ng sikat na TV host si Charice sa kanyang show. Pinag-sign din siya ng isang record label at ang iba niyang mga awitin ay napasama pa sa Billboard Top 100.


Si Lea Salonga  ay isang mang-aawit at aktres na naging bantog dahil sa kanyang paggaganap sa musikal na Miss Saigon. kung saan siya ay nagwagi ng OlivierTonyDrama DeskOuter Critics at Theatre World Awards, ang kauna-unahang nanalo sa iba't ibang international awards para sa iisang pagganap. Kasama din siya sa musikal na Les_Misérables bilang Fantine.




Si Arnel Pineda ay ang pumalit kay Steve Perry bilang lead singer sa bandang Journey simulan noong 2007. Isa rin siya manunulat ng awit at nagkaroon ng pangalan sa musika sa Pilipinas  ng mahigit 25 na taon.



Si Zendee Rose Tenerefe ay isang mang-aawit na sumikat dahil sa kanyang video sa youtube. Matapos siya ay madiskubre, siya ay naimbitahan sa maraming okasyon isa na dito ay sa show ng isang sikat na TV Host na si Ellen DeGeneres na inimbitahan sa kanyang show. Nag-sign na siya ng isang record label at kasalukuyang nag-rerecord ng kanyang debut album.



Hindi lamang sila ang mga Pilipinong nagdala ng karangalan para sa ating bansa, marami pa. Sila lamang ang mga nagpapatunay na ang mga Pilipino ay may taglay na talentong hindi matatawaran. Kaya dapat ang sariling atin ay ipagmalaki at tangkilikin.

Huwebes, Enero 10, 2013

Kaygandang Pilipinas!



Kaygandang Pilipinas!

itong tula na ito ay tungkol sa Pilipinas na bansang pinagpala at kay ganda.


Sagana ang bansa sa likas na yaman,

Ang ginto at tanso ay nasa minahan,

Makakakuha rin, batong kumikinang

Sa gilid at gitna nitong kabundukan.


Magandang tanawin sa mga probinsiya,

Sa Luzon, Visayas at Mindanao nga,

Pumaitaas man o dakong ibaba,

Masisilayan mo’y tanawing may sigla.


Pagudpud sa Norte’y ipagmamalaki,

Ang mga turista ay mabibighani,

Itong Hundred Islands na nakawiwili,

Tiyak na ang lungkot, doon mapapawi.


Pumunta sa Baguio sa taas ng bundok,

Tiyak na kikilig sa lamig ng pook,

Sagada’t Banaue huwag mong ilimot

Sa mga bisita ay ating itampok.


Sa Boracay Island, tila paraiso,

Sa Cebu at Bohol, ikaw ay magtungo

At kung mapagod, huminga ng todo,

Kumain muna nga nitong halo-halo.


Humakbang ng konti, sa Mindanao namanItong 

Huluga Caves sa s’yudad ng Cagayan,

Sa Davao naroon ang tayog ng bayan,

Ang Bundok ng Apo na nagmamayabang.


Mga mamamayan, kulay kayumanggi,

Sa tuwina’y galak, sa iyo’y babati,

May halakhak pa’t luksong mga ngiti

Mga Filipino’y lagi nang mabunyi.


Kung kakain man ay aanyayahan,

Ang sinumang tao sa hapag-kainan,

Anumang pagkain ay pagsasaluhan,

May tuwang susubo asin man ang ulam.


Kahit na mahirap ang mga gawain,

Sa dagat, sa lupa at mga bukirin,

Tiyak matatapos bago pa dumilim

Mga Filipino’y hindi man dadaing.


Ang bansa kong ito, bansang Pilipinas,

Na ang katangia’y may sigla ng gilas,

Sinumang sasakop at magmamataas,

Aking itataboy, hinga ma’y mautas.