Ang mga Pilipino ay
hindi lamang kilala bilang bansa na may maraming magagandang tanawin, kilala
din tayo dahil sa mga talentong tinataglay natin. Simula pa man noon ay marami
ng mga talentadong Pilipino ang nakilala na ng buong mundo dahil sa iba't-ibang
larangang mahusay sila.
Ilan lamang ang dito ay
sina:
Si Charice
Pempengco ay
unang nakilala bilang isang Pilipinang mang-aawit na pumangatlo sa
paligsahang Little Big Star. Mas lalo siyang sumikat dahil sa mga
bidyo ng kanyang pagkanta sa YouTube at nadiskubre siya ni
Oprah at agad inimbita ng sikat na TV host si Charice sa kanyang show.
Pinag-sign din siya ng isang record label at ang iba niyang mga awitin ay
napasama pa sa Billboard
Top 100.
Si Lea
Salonga ay
isang mang-aawit at aktres na naging bantog dahil sa kanyang
paggaganap sa musikal na Miss Saigon. kung saan siya ay nagwagi ng Olivier, Tony, Drama
Desk, Outer Critics at Theatre
World Awards,
ang kauna-unahang nanalo sa iba't ibang international awards para
sa iisang pagganap. Kasama din siya sa musikal na Les_Misérables bilang Fantine.
Si Arnel
Pineda ay ang
pumalit kay Steve Perry bilang lead singer sa bandang Journey simulan noong 2007. Isa
rin siya manunulat ng awit at nagkaroon ng pangalan sa musika sa Pilipinas
ng mahigit 25 na taon.
Si Zendee
Rose Tenerefe ay isang
mang-aawit na sumikat dahil sa kanyang video sa youtube. Matapos siya ay madiskubre,
siya ay naimbitahan sa maraming okasyon isa na dito ay sa show ng isang sikat
na TV Host na si Ellen DeGeneres na inimbitahan sa kanyang show. Nag-sign na
siya ng isang record label at kasalukuyang nag-rerecord ng kanyang debut album.
Hindi lamang
sila ang mga Pilipinong nagdala ng karangalan para sa ating bansa, marami pa.
Sila lamang ang mga nagpapatunay na ang mga Pilipino ay may taglay na talentong
hindi matatawaran. Kaya dapat ang sariling atin ay ipagmalaki at tangkilikin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento