Ayon sa larawang ito, "FILIPINOS, The Mexicans of Asia". Hindi katakataka ang bagay na ito dahil taglay natin ang kompleksyon na mayroon ang mga Mexicano o mga Espanyol. May iba pa nga sa ating kababayan ay mukha talagang dayuhan. Nagpapatunay lamang ito na tayo ay sumailalim ang bansang Pilipinas sa pananakop ng maraming dayuhan.
Sinakop tayo ng mga Espanyol ng mahigit 300 na taon. Malamang ay, pagkatapos ang pananakop na ito, nagsipag-asawa ang mga dayuhan ng mga Pilipino at ang resulta ay ang mga batang may kompleksyon at pagakakahawig sa taga ibang bansa. Hindi lamang mga Espanyol ang nanakop sa atin, nariyan din ang mga Amerikano, Hapon at iba pa. Mga Intsik din, napakaraming mga tsinoy ang naninirahan sa Pilipinas. Kaya nga nagkaroon ng "China Town" sa Maynila.
Magandang pagmasdan ang mga batang hati ang lahi. Ngunit, ang ibang mga bata na may dugong Pilipino ay naninirahan sa ibang bansa at kinakalimutan ang kanilang sariling lahi. Minsan pa nga, ikinahihiya pa nila ang lahi nila. Iyon ay negatibo. Ngunit, kung may negatibo, laging may positibo. May mga ibang bata talaga na gustong gustong kilalanin ang kanilang lahi at manirahan dito.
Sa kabila ng lahat ng ito, mas maganda pa rin na puro ang lahi ng isang mamamayan. Dahil naipapakita nito ang tunay na pagkakakilanlan at dito lumalabas ang tunay na ganda o "native beauty". Kaya, wag nating pangarapin na maging taga ibang bansa dahil ang Pilipinas ay may sariling mga tao na nagtataglay na gandang walang katulad. Ani nga ni Kris Aquino, "Ang sarap magmahal ng Pinoy!"
Viva La Filipinas!
Linggo, Enero 13, 2013
It's More Fun In The Philippines
It's more fun in the Philippines ay ang bagong tourism campaign ng Department of Tourism. Binago nila ang dati na "Wow Philippines!" upang makapanghikayat pa ng mga maraming turista sa Pilipinas. Hindi lamang panghihikayat ang ginagawa ng campaign na ito kundi, tumulong din sa mga turista na makilala ang ganda ng Pilipinas.
Narito ang website ng tourism campaign:
Nagpapakalat din sila ng posters at idinidikit ito sa mga pampublikong lugar upang madaling maka-agaw ng pansin sa mga turista.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)